Chatbox

Make Money Online

adf.ly - shorten links and earn money!

Ang Asawa ng Aking Pinsan

Ang aming bahay ang maliit lamang, meron itong 3 kwarto: ang master’s bedroom, ang kwarto naming magkapatid at ang maid’s quarters. Syempre meron ding kusina, sala at mga banyo. Nagplano ang mga magulang ko na iparenovate ang bahay namin mula sa bungalow type into a 2-storey house. Kinausap nila ang arkitekto/kontratista at sinabi na mukhang kelangan namin daw lumipat muna ng ibang tirahan para makagalaw sila ng maayos, and besides, walang matitira sa aming lumang bahay kundi ang mga dingding nito. (sob! sob! sob!)… hehehehe. Nagplano na kaming lumipat sa isang apartment na malapit dito sa bahay namin dahil nga sa sinabi ng arkitekto. Nabalitaan ito ng aking tita na nakatira sa parehong municipality namin. Sabi niya na bakit daw hindi na lang sa kanila kami tumira, tutal, madami rin silang kwarto sa bahay na bakante, at malaki laki iyon para matirhan naming pamilya. Pansamantala lang naman daw, at syempre para maka menos sa gastos na rin sa pamilya namin, malaki-laki ring gastos ang pagpaparenovate e.

Malaki-laki din ang bahay ng tita ko. Meron silang master’s bedroom para sa mag-asawang tita at tito ko at ang servant’s quarters sa may dulo ng bahay sa ibaba. Sa itaas naman ay, isang kwarto para sa pinsan kong si Kuya Arthur (may iba pa akong kwento tungkol dito. hehehe) at sa kakapanganak pa lamang niyang asawang si Ate Alice,at sa anak nilang si Samantha. Isang kwarto para sa pinsan kong si Ate Karen at ang asawa nitong si Kuya Jeffrey, at ang dalawa nilang maliliit na anak. Isang kwarto para sa anak nina Ate Karen na sina Jason at James na 7 at 8 years old noon. Isang kwarto para sa isang pinsan kong si Kuya Greg na wala pang asawa. At isang bakanteng kwarto na inaalok nila na tirhan namin pansamantala, na katabi ng kwarto ni Kuya Greg. Malaki din ang kwarto. Mas malaki ng konti sa master’s bedroom ng mga magulang ko, at medyo kumportable naman doon dahil may sarili namang banyo. Sa umpisa’y ayaw ng mama ko ng doon kami tumira. Syempre daw hindi ka makakagalaw ng maayos kasi makikisama ka. Sa isip ko, sayang naman at baka masilipan ko pa ang aking mga gwapong pinsan. hehehehe. Pero naisip ni mama na makakamura nga naman kami kesa magrenta ng P20,000 a month, at pandagdag na rin iyon sa ipagpapagawa na bahay. In short, napapayag din si mama na dun muna kami pansamantalang manirahan.

Kaming apat ng pamilya ko ang lumipat kami sa bahay ng tita ko, ako, ang kapatid ko ang mama at papa ko. Syempre naninibago pa kami. Lagi nila kaming kasabay kumain, at talagang bisita ang turing sa amin. Nahihiya naman kami dito at mejo kalkulado ang mga galaw kasi nga ibang bahay iyong tinitirhan namin ngayon. Kailangan talagang makisama kami. Mabait naman ang turing ng pamilya nila sa amin at ipinagpapasalamat namin iyon. Naging close din kami sa aming mga pamangkin na anak nina Ate Karen. 1 year old si Karla, 3 years old si Sophia, 7 years old si Jason at 8 years old si James. Palagi silang nasa kwarto namin at nakikipaglaro at nakikipagkwentuhan maliban kay Karla na sobrang bata pa noon at laging bantay ng kanyang yaya.

Nagmistula kaming mga nakatatandang kapatid nitong mga pamangkin naming mga ito. Kapag nagpupunta sa kwarto namin si Sophia, siya ay nagkekwento ng kanyang mga napanood sa TV at ikinekwento ang ginagawa niyang storya kung saan characters ang kaniyang mga laruang manika. Sina Jason at James naman ay nagdadala ng kanilang mga laruang Dragonball-Z at Spiderman action figures. Nagdadala rin sila ng kanilang mga iginuhit sa kanilang mga notebook. Ipinapakita nila sa amin ang mga superheroes na iginuguhit nila at in-e-explain ang powers ng mga ito. Tinatawag nila kami ng maagang maaga pagkatapos namin maligo upang manood ng transformers sa star world bago kami pumasok sa eskuwela. Tinatawag na lang kami ng papa ko kapag aalis na kami papunta sa school.